Labi ng Pinay, asawa nakuha sa Florida condo collapse

Labi ng Pinay, asawa nakuha sa Florida condo collapse

July 6, 2021 @ 9:28 AM 1 year ago


US – Natagpuan na ang labi ng isang Filipina na nawawala sa pagguho ng Champlain Towers South condo building sa Florida.

Ayon sa Miami-Dade Police Department, natagpuan nitong Hulyo 2 ang labi ni Maria Obias-Bonnefoy, 69 anyos at ng asawa nito na si Claudio Bonnefoy, 85 anyos.

Nakatira sa ika-sampung palapag ng condo ang mag-asawa batay sa pamilya nito.

Nitong Hunyo 24 nang gumuho ang gusali kung saan 24 na ang kumpirmadong nasawi habang 121 pa ang nawawala.

Pansamantalang inihinto ang search and rescue operation upang i-demolish ang gusali dahil sa Tropical Storm Elsa. RNT/ELM