Labi ng Pinoy lawyer na binarily-patay sa Philadelphia, naiuwi na sa Pinas

Labi ng Pinoy lawyer na binarily-patay sa Philadelphia, naiuwi na sa Pinas

June 29, 2022 @ 3:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang mga labi ni John Albert “Jal” Laylo, ang Filipino lawyer na namatay sa pamamaril sa Philadelphia.

Kanina nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga labi ni Laylo.

Nangyari ang gun attack noong Hunyo 19 habang sakay sila ng kotse para bisitahin ang kanilang mga kamag-anak sa US.

Idineklara siyang brain-dead bago tuluyang binawian ng buhay noong Hunyo 20.

Nagtamo naman ng minor injuries ang kanyang ina.

May kopya na ng security video ang mga imbestigador kung saan makikita ang isang itim na Nissan Maxima sa lugar pagkatapos ng pamamaril.

Kabilang sa tinitingnang motibo sa krimen ay road rage o random shooting.

Pero ayon kay New York Consul General Elmer Cato, maaaring kaso ito ng mistaken identity. RNT/ JCM