Labor agreement mas palakasin kaysa deployment ban – Ople

Labor agreement mas palakasin kaysa deployment ban – Ople

January 27, 2023 @ 10:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na ang mga isyu at alalahanin sa labor migration sa Kuwait ay maaaring malutas sa pamamagitan ng isang maayos na diyalogo sa halip na sa pamamagitan ng pagpapataw ng deployment ban.

Ito ay kasunod ng mga panawagan para sa suspensyon ng deployment sa Kuwait matapos ang pagpatay sa domestic worker na si Jullebee Ranara.

Sinabi ni Ople na pinahahalagahan nila ang magandang intensyon sa likod ng mga panawagang magpataw ng deployment ban sa Kuwait ngunit naniniwala ito sa social dialog bilang ang pinakamahalagang unang hakbang sa paglutas ng mga alalahanin sa labor migration.

“(But) it does not mean we are insensitive to such calls,” saad ng kalihim.

Nangangahulugan aniya ito ngayon na gusto lamang gumamit ng labor diplomacy upang madagdagan ng higit pang safeguards at matiyak na ang hustisya ay masunod sa ngalan ni Jullebee at nang kanyang pamilya.

“There is a working, productive relationship between the Philippines and Kuwait that can be further enhanced not by imposing a deployment ban, but by revisiting the existing Bilateral Labor Agreement (BLA).”

Natagpuan ang sunog na katawan ni Ranara noong Enero 22, na basag ang bungo, ng Kuwaiti police sa Salmi, Al-Jarah Governorate.

Inaasahang darating ang labi ni Ranara Biyernes ng gabi habang maiiwan sa Philippine Embassy sa Kuwait ang law firm na hahawak sa kaso ni Ranara at patuloy na makikipag-ugnayan sa gobyerno ng Kuwait para makamit ang hustisya para kay Ranara. Jocelyn Tabangcura-Domenden