Labor agreement sa pagitan ng Pilipinas, Kuwait target rebisahin

Labor agreement sa pagitan ng Pilipinas, Kuwait target rebisahin

January 26, 2023 @ 5:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Plano ng Department of Migrant Workers (DMW) na rebisahin ang labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kasunod ng pagkamatay ng isa pang overseas Filipino worker sa nasabing bansa.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, mayroon nang legal framework o labor cooperation agreement.

Aniya rerebisahin at titingnan kung paano pa mapaiigting at mapagbubuti ang proteksyon at kapakanan ng mga OFW.

Sinabi ni Olalia na magpapadala ng delegasyon sa Kuwait upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon upang suriin at pagbutihin ang kasunduan.

Sinabi ng opisyal ng DMW na susubukan nilang gayahin ito at ipatupad sa Kuwait. Jocelyn Tabangcura-Domenden