Labor deal sa pagitan ng Pinas, Kuwait rerebyuhin – PBBM

Labor deal sa pagitan ng Pinas, Kuwait rerebyuhin – PBBM

January 31, 2023 @ 10:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na magtatakda ang Philippine government ng pulong sa Kuwait para busisiin ang labor agreement nito, kasunod ng pagpatay sa isang overseas Filipina worker doon.

Inihayag niya ito kasunod ng pagbisita sa burol ni Jullebee Ranara, 35-anyos na household service worker sa Kuwait na pinaslang ng 17 taong gulang na anak ng kanyang employer.

“We are also scheduling bilateral meetings with Kuwait to look at the agreement that we have to see if there are weaknesses in the agreement that allow this to happen and to make sure that those weaknesses are remedied,” pahayag ni Marcos.

“[This] is so that the agreement is stronger and will be more supportive of our workers and furthermore that we hope this will not happen again to anyone of our countrymen,” dagdag niya.

Nakidalamhati rin ang Pangulo sa pamilya ni Ranara at tiniyak sa kanila ang tulong ng pamahalaan, at idinagdag na naghahanda ng scholarships ang pamahalaan para sa mga anak ng OFW.

“Lahat ng assistance na pwedeng naming ibigay, ibibigay namin. We have assured the family that we will attend to their needs,” sabi niya.

“Mayroon kaming hinahandang scholarship. Basta makapag-aral nang mabuti at lahat pa ng ibang benepisyo,” patuloy ni Marcos. RNT/SA