Labor Reform Initiative ng Saudi welcome kay PRRD

Labor Reform Initiative ng Saudi welcome kay PRRD

November 23, 2020 @ 7:51 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Welcome kay  Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang bagong  labor reforms ng Saudi Arabia na inaasahanag mapakikinabangan ng mga migrant workers  kabilang na ang 800,000 Pilipino.

Sa kalatas na ipinalabas ng Office of the President (OP), nakasaad dito na ang   Labor Reform Initiative (LRI) ng Saudi Arabia ay  “significant step” tungo sa pagtugon na may kinalaman sa traditional sponsorship regime na umiiral sa maraming bahagi ng  Gitnang Silangan.

Ang LRI ay naglalayong payagan ang mga foreign workers  na lumipat sa ibang  employer kahit wala ng consent ng kasalukuyang employer nito sa oras na mapaso na ang kanilang kontrata.

Pinapayagan din ng LRI ang mga manggagawa na bumiyahe sa labas ng Saudi Arabia kahit walang pag-apruba ng kanilang employer at iwan ang  nasabing bansa  kahit na walang consent ng kanilang employer sa oras na mapaso na ang kanilang kontrata.

Nakatakdang ipatupad ang  LRI sa Marso 14, 2021.

Samantala, binati naman ni Pangulong Duterte si  King Salman bin Abdulaziz Al Saud para sa “landmark initiative” at muling nagpahayag ng kanyang commitment na makipagtulungan sa  Saudi monarch para sa promosyon ng karapatan at kapakanan ng  mga Filipino sa  oil-rich kingdom.

Maliban sa Saudi Arabia, pinapayagan naman ng Qatar migrant workers na magpalit ng trabaho bago magtapos ang kanilang kontrata  na hindi na kinukuha pa ang consent ng kanilang  employer. Kris Jose


  •  
  •  
  •