Labor union kay PBBM: ILO Convention 190, ratipikahan

Labor union kay PBBM: ILO Convention 190, ratipikahan

March 3, 2023 @ 11:06 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nananawagan ang labor unions are calling para ratipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang International Labour Organization Convention 190 (ILO C190), na naglalayon na protektahan ang mga manggagawa mula sa karahasan at pananamantala.

Hinikayat ng Associated Labor Unions (ALU), kasama ang Associated Professional, Supervisory, Office, and Technical Employees Union (APSOTEU), at ang Associated Philippine Seafarers Union (APSU) si Marcos na magpakita ng “zero tolerance” sa karahasan.

Binibigyang-diin sa ILO C190 na kailangang magkaroon ng work environment na malaya sa mga hindi katanggap-tanggap na gawain o banra, kahit na isang beses lamang mangyari o paulit-ulit.

Saklaw nito lahat ng manggagawa, anuman ang kanilang employment status, kabilang ang trainees, volunteers, job applicants, dating empleyado na natapos na ang termino, at employers.

“The government’s full enforcement of relevant existing laws, programs, and structures, and the C190 ratification of the Philippine President with the concurrence of the Senate, will show national and global leadership in putting a premium on lives, workers’ especially women’s protection, non-violence, gender equality, and economic sustainability,” pahayag ni ALU National Vice President Eva Arcos.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Malacañang hinggil dito.

Iginiit ng labor union na halos 743 milyong manggagawa sa buong mundo ang nakaranas ng harrassment, batay sa datos ng ILO-Lloyd Register Foundation-Gallup survey.

“National decision-makers do not need an addition to all these (under)reported statistics on violence, and would not want to wait for more gruesome cases under their watch,” ayon kay Arcos.

Napag-alaman sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 49 milyong Pilipinong empleyado nitong Disyembre, dahilan para umabot ang employment rate sa 95.7%. RNT/SA