Laborer himas-rehas sa pag-masturbate sa harap ng bebot

Laborer himas-rehas sa pag-masturbate sa harap ng bebot

October 3, 2022 @ 9:27 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Malamig na rehas na bakal ngayon ang hinihimas ng isang laborer matapos mag masturbate sa harap ng isang dalaga sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas police Chief Col. Dexter Ollaging, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11313 o ang Safe Spaces Act ang suspek na kinilala bilang si Renato Gilbuena, 49 ng Cattleya St., Brgy. NBBS Proper.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Women’s and Children Protectiopn Desk (WCPD) ng Navotas police, dakong alas-6 ng gabi, naglilinis ang biktima na itinago sa pangalang “Marian”, 24, sa loob ng kanilang bahay nang mapansin niya ang suspek na may ginagawa sa loob ng shorts habang hawak ang ari nito.

Nagpatuloy ang biktima sa paglilinis at nang muling tignan ang suspek ay hawak pa rin umano sa loob ng shorts ang ari nito habang nagma-masturbate at nakatingin sa kanya.

Nag-chat ang biktima sa kanyang pinsan at sinabi ang pangyayari na naging dahilan upang kumpirmahin ng kanyang mga magulang ang insidente kung saan nahuli sa akto ang suspek.

Humingi ng tulong ang mga magulang ng biktima sa mga tanod ng Brgy. NBBS Proper na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na laborer. Boysan Buenaventura