Labrador Retriever, pinakasikat pa rin na lahi ng aso

Labrador Retriever, pinakasikat pa rin na lahi ng aso

March 21, 2019 @ 7:06 AM 3 years ago


New York – Nananatili pa ring pinasikat na lahi ng aso sa America ang loyal at maaasahang Labrador Retriever sa taong 2018, ika-28 na taong magkakasunod, ayon sa American Kennel Club nitong Miyerkules.

Ang top 10 dog breed sa United States nitong 2018 ay hindi masiyadong nabago gayong tumaas lang ng isang puwesto ang German shorthaired pointer na nagpababa sa lahi ng Yorkshire terrier, nagpalit lamang ng puwesto mula sa ika-9 at ika-10, ayon sa AKC.

Ang AKC ay ang pinakamalaking purebred dog registry sa buong mundo at nakabase sa New York City. Nakakapag-register ang AKC ng mahigit isang milyong aso kada taon.

Narito ang kumpletong listahan  ng top 10 dog breeds sa America nitong 2018:

  1. Labrador Retriever
  2. German shepherd
  3. Golden retriever
  4. French bulldog
  5. Standard bulldog
  6. Beagle
  7. Poodle
  8. Rottweiler
  9. German shorthaired pointer
  10. Yorkshire terrier

“Labs make wonderful companions – very intelligent, friendly and great with children,” ayon kay AKC Executive Secretary Gina DiNardo sa isang statement.

Ang rank ay nakabase sa AKC resgitration kung saan ang Labrador ang pinakamarami noong 2018, ayon kay AKC spokeswoman Jessica Rice D’Amato.

Ito na ang ika-28 taon ng Labrador bilang pinakasikat na US dog breed bago nito malagpasan ang 22-year record ng poodle noong 20th century./Remate News Team