Lacson nakarekober na sa COVID

Lacson nakarekober na sa COVID

January 12, 2022 @ 7:35 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nakarekober na si Presidential aspirant at Senator Panfilo Lacson sa COVID-19 ngunit sasailalim pa rin sa 10 araw na quarantine.

 “Ako as of Sunday, fully recovered na, wala ng symptoms, tinatapos ko lang yung aking quarantine,” aniya sa panayam.

“Ginawang 10 days [ang quarantine]. So nag-positive ako January 4, sa January 14 or Friday, tapos na yung aking quarantine,” dagdag pa nito.

Maaalalang noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Lacson na positibo siya sa COVID.

Kasabayan niya rin dito na nagpositibo sina Senator Francis Pangilinan at Sherwin Gatchalian. RNT/FGDC