Lady Eagle, sasabak sa beauty pageant

Lady Eagle, sasabak sa beauty pageant

June 22, 2018 @ 1:43 PM 4 years ago


Sasabak sa larangan ng pagandahan ang former Lady Eagle na si Therese Gaston.

Si Therese Gaston ay parte ng Ateneo squad na sumungkit sa titolo ng UAAP noong 2015.

Kasunod ng kaniyang maikling collegiate playing career, si Gaston ay nag-apply rin bilang sports reporter sa isang kilalang network sa bansa.

Sa kaniyang instagram stories, pinost ng volleyball player ang kaniyang larawan kasama ng ilang mga kandidato ng Miss Manila 2018 na gaganapin sa June 26.

Kung sakaling manalo, susundan ni Gaston ang yapak ni Michele Gumabao na kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Globe 2018 noong March at nakatakdang lumaban sa Miss Globe International, ngayong taon. (Remate News Team)