Lady Gaga, gaganap na Harley Quinn sa Joker 2!

Lady Gaga, gaganap na Harley Quinn sa Joker 2!

June 15, 2022 @ 8:31 AM 2 weeks ago


Hollywood, USA – Usap-usapan ngayon ang posibleng pag-ganap ni Lady Gaga as Harley Quinn sa Joker 2.

Ito ay matapos mamataan ang American singer-songwriter na nakikipag-usap na para sa sequel ng Joker.

Maraming fans ang lalo pang na-excite lalo’t may ilang changes sa character ni Quinn.

Aside from it being musical, ayon sa report ng The Hollywood Reporter, magmumula as ibang universe ang gagampanan ni Gaga.

Isa ang Joker sa pinaka-aabangan ng mga manonood dahil sa istorya nito, humakot lang naman ito ng 12 Oscar nominations kabilang na ang best picture at best original score! Joey Sarmiento