LAGAY NG COVID-AFFECTED OFWs AALAMIN NI ELEAZAR

LAGAY NG COVID-AFFECTED OFWs AALAMIN NI ELEAZAR

March 23, 2022 @ 11:07 AM 3 months ago


HINIKAYAT ni senatorial candidate at dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang pamahalaan na tingnan kung mayroon pang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na inabandona ng mga employer sa ibang bansa matapos magpositibo sa COVID-19, gaya ng nangyari sa Hong Kong.

Sinabi ni Eleazar, gobyerno na dapat ang manguna sa pagkamusta sa OFWs sa ibang bansa upang agad makabuo ng plano para tulungan ang mga ito.

‚ÄúI urge the national government to check the condition of our OFWs in other countries dahil baka hindi lang sa Hong Kong nangyayari ito at hindi natin nalalaman dahil hindi narereport na gaya ng nangyari sa Hong Kong,‚ÄĚ ani Eleazar.

‚ÄúNapakahalaga na malaman kaagad kung may katulad na problemang hinaharap ang ating mga OFW sa ibang bansa dahil importante ang immediate response lalo na kung COVID ang pinag-uusapan,‚ÄĚ aniya pa.

Unang napaulat sa media na may mga OFW na napilitang matulog sa kalsada’t liwasan matapos abandonahin ng mga employer sa Hong Kong. Nasabi rin sa ulat na hirap ding makakuha ng atensyong medikal ang mga OFW na nagpositibo sa COVID.

Tinutugunan na ng Department of Labor and Employment, sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), ang mga hinaing ng OFWs sa Hong Kong.

Pinuri ni Eleazar ang DOLE at Department of Foreign Affairs sa pagresponde, pero iginiit na kailangang panagutin ng gobyerno ang mga employer na nang-iwan sa OFWs.

Kabilang sa mga isinusulong ni Eleazar, na tumatakbo sa pagka-senador, ang pagpapatayo ng mga permanenteng pasilidad sa ibang bansa kung saan agad tatanggapin ang OFWs na dumaranas ng hirap o karamdaman.

Hindi pwedeng puri lang tayo ng puri sa kanila.

Kailangan nating tumbasan ang kanilang sakripisyo at malaking kontribusyon sa ating ekonomiya,‚ÄĚ aniya pa.