Lagay ng ozone layer, bumubuti

Lagay ng ozone layer, bumubuti

September 14, 2022 @ 8:22 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Bumubuti umano ng paunti-unti ang lagay ng ozone layer.

Ito ang sinabi ng United Nations, “If we could bring the entire ozone layer to sea level, it would be only about 3mm [0.118 inches] thick. That’s what protects us from harmful ultraviolet radiation.”

Matatandaan na noon pa ay matinding usapin na ang ‘ozone hole’ o butas sa ozone layer na nagsisilbing banta sa global warming at kalusugan ng tao sa ultraviolet o UV.

Sa loob ng tatlong dekada ay aktibo ang UN na maayos ang ozone layer sa pamamagitan ng iba’t ibang kasunduan katulad ng Montreal Protocol on Substances that Deplete the Ozone Layer.

Ayon sa ulat ng National Oceanic and Atmospheric Administration, sa unang bahagi ng 2022 ay kapansin-pansin na bumaba ng 50% ang mga materyal na nakasisira ng ozone layer.

Sa kabila nito, malaki-laki pa rin umano ang dapat na gawin upang mas mapabuti pa ang lagay nito. RNT/JGC