Lagdameo pinangalanang top contributor sa SOCE ni Marcos

Lagdameo pinangalanang top contributor sa SOCE ni Marcos

August 31, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Idineklara ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatanggap ng mahigit P624 milyong campaign contributions sa kanyang matagumpay na kandidatura sa pagka-Pangulo.

Makikita sa kanyang Statement of Contributions and Expenditure (SOCE) na isinumite sa Commission on Elections (Comelec) na nakatanggap si Marcos ng P624,684,320.09 in cash at in kind.

Pinangalanan naman si Anton Lagdameo, na Special Assistant to President, bilang top contributor ng Chief Executive sa Halalan 2022 campaign.

Batay sa dokumento, nag-ambag siya ng P247,234,320.09 “in-kind from party.”

sI Lagdameo ang treasurer ng Partido Federal ng Pilipinas, kung saan sa ilalim nito ay tumakbo si Marcos sa pagka-presidente.

Si Melquiades Robles ang ikalawang biggest contributor sa kampanya ni Marcos na nagbigay ng P30 milyong cash, ayon sa SOCE ng Pangulo.

Itinalaga si Robles bilang general https://sharksinfo.com/ manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong Hulyo.

Pumangatlo naman bilang top contributor si Philip Lo, na nagbigay ng P25 milyong cash sa kampanya ni Marcos.

Bukod sa tatlong nabanggit, anim na indibidwal ang nagbigay ng P20 milyong cash, at 11 others naman ang nag-donate ng P10 milyon.

Animnapu’t pito ang nakadeklarang contributor sa kampanya ni Marcos.

Samantala, ang running-mate ni Marcos na si Vice President Sara Duterte, ay idineklarang nakatanggap ng kabuuang P216,190,935.06 campaign contributions. RNT/SA