Lagpas 100% target population sa NCR, fully vaxxed na – Abalos

Lagpas 100% target population sa NCR, fully vaxxed na – Abalos

December 10, 2021 @ 7:31 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Fully vaccinated na laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang mahigit sa 100% target eligible population sa National Capital Region (NCR).

Sa isang panayam, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benjamin Abalos Jr. na ang Kalakhang Maynila ay mayroong 9.8 milyong eligible population para sa COVID-19 vaccination.

“For me, that’s more than upper protection,”ayon kay Abalos.

Tinukoy ni Abalos na ang mataas na vaccination turnout ang isa sa “greatest factors” kung bakit patuloy na bumababa ang COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila.

Tinukoy din nito ang unified COVID-19 response strategies ng mga NCR mayors na epektibong naipatupad.

“Pagkakaisa ng Metro Manila council. We only have one goal, na nakadepende sa sinasabi ng medical experts,” ani Abalos.

Sinabi pa niya na ang mga Alkalde ng Metro Manila council ay nagkaisa na dagdagan ang pagbabakuna sa mga kalapit-lalawigan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga healthcare workers.

Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na 23 highly urbanized cities, karamihan ay nasa NCR, ay fully vaccinated ang 70% o mahigit pa sa kanilang target population.

Ipinagmalaki pa ni Abalos na kontrolado na ang pagkalat ng Delta variant.

“At hindi lang ‘yun, ‘yung surge ng Delta sa ibang lugar, nawalan ng oxygen tanks, napuno, hindi naman natin ito na-experience sa Pilipinas,” aniya pa.

“If there’s one thing na ipagmamalaki ko, even right now, you compare the peak to peak, ‘yung peak natin at peak nila during Delta malayo. Magaling talaga ang ginawa ng team na ito,” dagdag na pahayag ni Abalos. Kris Jose