Lagpas 5K arawang COVID cases sa Hulyo, ibinabla ng DOH

Lagpas 5K arawang COVID cases sa Hulyo, ibinabla ng DOH

June 28, 2022 @ 10:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng tumaas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 kada araw sa kalagitnaan ng Hulyo, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, base sa updated projections mula sa FASSTER maaring umabot sa 3,800 hanggang 5,300 ang daily cases sa buong bansa sa nasabing panahon.

Aniya, ito ay kung magpapatuloy ang pagdami ng paggalaw ng mga tao o mobility, mababawasan ang pagsunod sa minimum public health standard ng 20-22 porsyento.

Isa rin dahilan ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung napapanatiling mababa ang antas ng nagpapa-booster.

“Based on updated projections from FASSTER,if mobility continues to increase,compliance to MPHS continues to reduce (20-22% reduction) and booster uptake is maintained at this low level,we MAY see 3,800 to 5,300 daily cases nationally by mid July”, sabi ni Vergeire sa media viber group. Jocelyn Tabangcura-Domenden