Lagpas 70% ng populasyon sa 10 rehiyon, fully vaccinated na

Lagpas 70% ng populasyon sa 10 rehiyon, fully vaccinated na

February 15, 2022 @ 8:38 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nasa sampung rehiyon sa bansa ang mayroon ng 70% ng kani-kanilang populasyon ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Binanggit ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ang mga sumusunod na rehiyon na mayroon ng fully vaccinated na mahigit sa 70% ng kanilang populasyon.

Ito ay ang:

National Capital Region (114.1%)

Region 1 (86.4%)

Region 2 (83.58%)

Region 3 (83.4%)

Cordillera Administrative Region(82.51%)

Region 4A (79.77%)

Region 6 (79.09%)

Region 11 (74.72%)

Region 10 (74.68%)

Region 9 (70.83%)

 

Habang hindi naman nalalayo ang mga sumusunod na rehiyon:

Region 5 (69.96%)

Region 8 (69.93%)

Caraga (69.75%)

MIMAROPA (68.56%)

Regions 7, 64.53% at Region 12, 61.25% naman ang fully vaccinated sa kanilang populasyon

Samantala, ang BARMM ay mayroon lamang na 28.02% fully vaccinated na populasyon.

Sinabi ni Galvez na pupunta siya sa Zamboanga at Basilan para hikayatin ang mga Muslim na magpabakuna laban sa virus.

“Pupunta po ako sa Zamboanga at Basilan para po ma-encourage ang ating mga Muslim brothers na magpabakuna na po,” aniya pa.

Tinatayang mahigit sa 61 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang 9,071,650 Filipino naman ang nakatanggap ng kanilang booster shots. Kris Jose