Lagpas P.7M shabu kumpiskado sa tatlo

Lagpas P.7M shabu kumpiskado sa tatlo

October 13, 2022 @ 2:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa karsel humantong ang tatlong tulak nang makumpiskahan ng lagpas P.7 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operations sa Navotas at Caloocan.

Bandang alas-11:45 ng gabi nitong Oktubre 10 nang isagawa ang operasyon sa Roldan St., Barangay Tangos South, Navotas City kung saan nasakote sina Joshua M. Antonio, 31, at; Edgardo D. Abuan, 50, kapwa ng Barangay Tangos South, Navotas City at nakumpiskahan ng 10 gramo ng shabu na may presyong P68,000 at buy-bust money.

Samantala, dakong alas-3:00 ng madaling araw naman nitong Oktubre 11 nang isagawa ang operasyon sa Kaagapay Road, Barangay 176, Caloocan City kung saan natiklo si Mary Grace V. Cabuhay, 46, ng Barangay 178, Caloocan at nakuhanan ng 100 gramo ng shabu na may presyong P680,000, buy-bust money at isang itim na pouch.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharaping kaso ng mga dinakip. Merly Iral