Sara Duterte, Briones nagharap sa transition talks

June 26, 2022 @9:30 AM
Views:
10
MANILA, Philippines- Nagdaos ng transition talks sina Vice President-elect Sara Duterte at outgoing Education Secretary Leonor Briones, araw ng Sabado.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Education na personal na binisita ni Duterte si Briones sa main office ng departamento sa Pasig City kung saan ay nagkaroon sila ng one-on-one meeting bago pa dumalo sa transition briefing kasama ang mga top DepEd officials.
Nagbigay si Briones ng overview ng trabaho ng DepEd sa ilaim ng outgoing administration.
Kasama na rito ang “summary of the scope of the department’s responsibility; the contribution of the outgoing administration to basic education reforms; and the identification of matters that require immediate policy attention.”
Samantala, kinilala naman ni Duterte ang naging kontribusyon ng kasalukuyang DepEd team.
Kinausap din niya si Briones at at nagpaabot ng pasasalamat sa suporta nito matapos na italaga siya ni president-elect Ferdinand Marcos Jr., na pamunuan ang DepEd.
Kapuwa naman nagkaroon ng consensus ukol sa policy matters sina Duterte at Briones na nangangailangan ng agarang atensyon gaya ng guidelines para sa incoming school year 2022 hanggang 2023 at budget para sa 2023.
Sinabi ng DepEd na ang mga concerns na ito ay agad na tutugunan sa pamamagitan ng konsultasyon sa pagitan ng concerned members ng parehong grupo.
Sa kabilang dako, binanggit din ni Duterte ang United Nations Transforming Education Summit na nakatakdang mangyari sa UN General Assembly sa Setyembre.
Ang outgoing administration, sa kabilang dako, ay ililipat ang trabaho ng National Consultations Convening Committee sa bagong administrasyon.
“Secretary Briones reiterated her assurance that Vice President-elect Duterte has the full support of the DepEd family in this transition period. She also agreed to continue to work with the incoming administration as a consultant,” ayon sa DepEd.
Samantala, isang joint farewell at welcome ceremony naman ang nakatakdang idaos sa Hulyo 4. Kris Jose
Transfer, reactivation kabilang sa mga transaksyon sa voter’s registration sa Hulyo

June 26, 2022 @9:15 AM
Views:
15
MANILA, Philippines- Ang pagpapatuloy ng rehistrasyon ng botante mula Hulyo 4 hanggang 23 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay magsasama ng iba pang mga transaksyon tulad ng transfer, change/corrections of entries, at reactivation.
Batay sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10798, ang mga transaksyon na gagawin ay ang pag-update ng mga rekord, paglilipat, pagbabago/pagwawasto ng mga entri, muling pagsasaaktibo o muling pagbabalik, at pagsasama ng mga talaan ng pagpaparehistro.
Ang mga taong may kapansanan, senior citizens, miyembro ng Indigenous Peoples’ o Indigenous Cultural Communities, at iba pang miyembro ng vulnerable sectors ay dapat ding ma-accommodate.
Ang mga aplikasyon ay kailangang personal na ihain sa Opisina ng Election Officer sa lungsod o munisipalidad kung saan naninirahan ang aplikante mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon tuwing Lunes hanggang Sabado, kasama ang mga pista opisyal.
Ang isang botante ay dapat na hindi bababa sa 18 taong gulang sa o bago ang halalan sa barangay sa Disyembre 5, residente ng Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon sa lugar ng pagboto o hindi bababa sa anim na buwan kaagad bago ang botohan, at hindi nadiskuwalipika ng batas.
“Any person who has not reached the required voting age or period of residence on the day of registration but will possess such qualifications on or before the December 5, 2022 barangay elections may register as a voter,” saad sa resolution na may petsang Hunyo 22.
Ang mga botante ng SK ay dapat na hindi bababa sa 15 taong gulang ngunit hindi hihigit sa 30, na naninirahan sa nayon nang hindi bababa sa anim na buwan sa o bago ang Disyembre 5, at hindi kung hindi man ay nadiskuwalipika ng batas.
Ang mga rehistradong botante simula sa halalan sa Mayo 9 ay dapat isama sa database ng Sangguniang Kabataan System sa kondisyon na sila ay hindi lalampas sa 30 taong gulang sa o bago ang Disyembre 5, sabi ng Comelec.
Ang mga aplikante ay dapat magdala ng mga dokumento ng pagkakakilanlan na may litrato at pirma, na maaaring national ID sa ilalim ng Philippine Identification System; ID ng empleyado na may pirma ng employer o awtorisadong kinatawan; postal ID; PWD ID; ID ng mag-aaral o library card na nilagdaan ng awtoridad ng paaralan; ID ng senior citizen; at driver’s license
Tatanggapin din ang National Bureau of Investigation clearance; passport; ID cards na inisyu ng Social Security System, Government Service Insurance System, o Integrated Bar of the Philippines; Professional Regulatory Commission license; Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous Peoples; barangay identification/certification with photo; at iba pang valid ID cards.
“In the absence of any of the above-mentioned identification documents, the applicant may be identified under oath by any registered voter of the precinct where he/she intends to be registered, or by any of his/her relatives within the fourth civil degree of consanguinity or affinity,” sabi ng Comelec. “No registered voter or relative shall be allowed to identify more than three applicants.”
Sinabi ni Acting poll body spokesperson John Rex Laudiangco sa isang panayam na sa ilalim ng Republic Act 8189 (Continuing Voter’s Registration Act), ipinagbabawal ang pagpaparehistro sa loob ng 120 araw bago ang halalan.
“Roughly starting August 7, it’s already prohibited,” ayon sa Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Greta, magiging lola na!

June 26, 2022 @9:13 AM
Views:
16
Manila, Philippines – What a gorgeous granny can Gretchen Barretto get!
Kumpirmadong anytime soon ay magsisilang na ang anak nila ni Tony Boy Cojuangco na si Dominique.
Dominique is the only child of one of the most enduring celebrity couples na bagama’t walang basbas ng kasal ay nananatiling matatag.
Ikinasal sa isang simpleng seremonya si Dominique sa London where she studied at Instituto Marangoni at sa Fashion Design and Merchandising in California kung saan gumradweyt siya bilang cum laude.
Ang manugang ni Gretchen is Michael Hearn na may construction consultancy aside from owning a cocktail bar in London.
Abangan ang pagbiyahe ni Gretchen patungong London para saksihan ang panganganak ni Dominique.
Of late, on social media break si Gretchen na kamakaila’y naging kontrobersyal dahil sa e-sabong.
Sa pamamagitan nito’y nakapagbigay ng ayuda ang aktres sa entertainment press at kapwa artista through her signature love box.
Kapuri-puri nga ang ginawa ni Gretchen dahil kinabog niya ang mga pulitiko sa pamamahagi ng mga ayuda.
Wonder kapag naging lola na si Gretchen.
For sure, ayaw niyang patawag na lola sa apo. Ronnie Carrasco III
PDu30 sa incoming DOTr chief: PH railway system ayusin

June 26, 2022 @9:00 AM
Views:
17
MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga incoming Department of Transportation (DOTr) officials na ipagpatuloy lamang ang pagsasaayos ng railway system sa bansa.
Sa idinaos na pagbubukas ng PNR Lucena-San Pablo Commuter Line, sinabi ni Pangulong Duterte na ang “championed programs” ng administrasyon ang nagpunan sa puwang sa transport sector.
“Now, I urge DOTr, especially those who will be left behind, and those who will take over the mantle of leadership, to continue leading the improvement of our railway systems,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“It is my hope that you will never lose sight of this goal as the enhancement of this vital transportation connection will be the key to unlocking even better opportunities for our countrymen,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte si DOTr Secretary Arthur Tugade at ang mga opisyal ng Philippine National Railways (PNR) para sa pagbubukas ng PNR Lucena-San Pablo Commuter Line.
“I have no doubt that the next administration would continue to build and build. The next generation, our sons and daughters by that time would have a perfect mass transport system,” ayon sa Chief Executive.
Aniya, mas magiging “accessible and easier to manage” na ang mga lugar gamit ang epektibong mass transport system.
Mapapalakas din aniya ng sistema ang tourism sector dahil sa “attractions and landmarks” na naka-stationed malapit sa railway terminals.
Aniya, ang bagong railroad ay makapagpapaiksi sa travel time sa pagitan ng San Pablo, Laguna, at Lucena, Quezon mula 1 oras ay magiging 30 minuto na lamang ito.
Idinagdag pa nito na, ito na ang mahalagang hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng Bicol Express ng PNR na magkokonekta sa Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng Southern Luzon at Bicol Region.
“Indeed, this project is proof of our commitment to enhancing mobility and connectivity across the archipelago by improving our routes and bringing convenience to our fellow Filipinos,” paliwanag ni Pangulong Duterte.
Labis naman ang pasasalamat ng Pangulo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para sa pagpapabuti ng serbisyo at ng bansa.
“As my term in office comes to a conclusion, I am thankful that I spent my last days as president witnessing events like this and realizing that even amid challenges around us we will leave a legacy that brought meaningful and lasting changes to the lives that we have touched,” aniya pa rin. Kris Jose
Paglalakbay para sa sustainable, climate-resilient PH ipagpapatuloy ng DENR

June 26, 2022 @8:51 AM
Views:
18