Laguna Heroes wagi kontra Pasig Pirates

Laguna Heroes wagi kontra Pasig Pirates

June 27, 2018 @ 9:47 AM 4 years ago


MPBL – Nanguna si dating Ateneo de Manila University Blue Eagles Jai Reyes sa laro ng Laguna Heroes kontra Pasig Pirates kagabi 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Pasig Sports Center.

Natapos ang laro sa iskor na 83-75, gamit ang 21 points ni Reyes.

Hindi naman nagpahuli ang kanyang mga teammates tulad ni Denok Miranda na nakapagtala ng 15 puntos.

Ayon kay Reyes, masaya silang buong team dahil sa kanilang pagkapanalo dahil matagal na nila itong pinaghandaan.

Bukod aniya rito, kinailangan nilang bumawi mula sa kanilang unang pagkatalo sa mismong home court ng koponan.

Samantala, para sa Pirates, si Marlon Monte ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 17 points. (Remate News Team)