Laguna pwedeng mapasailalim sa Alert Level 3 — Duque

Laguna pwedeng mapasailalim sa Alert Level 3 — Duque

January 5, 2022 @ 12:50 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Posibleng isailalim ang Laguna sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 case, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“I was just told earlier by the [Department of Health] Epidemiology Bureau that Laguna might also have to be placed under Alert Level 3,” ani Duque.

Maaalalang isinailalim na kahapon sa Alert Level 3 ang mga probinsya ng Bulacan, Cavite, at Rizal na epektibo ngayon, Enero 5 hanggang 15.

Nauna na ring isinailalim ang National Capital Region sa Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang Enero 15. RNT/FGDC