Lagundi, VCO ‘natural remedy’ vs mild COVID symptoms – DOST

Lagundi, VCO ‘natural remedy’ vs mild COVID symptoms – DOST

January 20, 2022 @ 2:08 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nakita sa linical trials na epektibo ang lagundi, at virgin coconut oil (VCO) laban sa mild coronavirus disease (COVID-19) symptoms, batay sa opisyal ng Department of Science and Technology (DOST).

Sa “Laging Handa” public briefing, sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na base ito sa clinical trials na natapos noong Agostot 2021 at nilahukan ng 278 participant.

“Maganda ang naging resulta dahil naibsan ang sintomas ng mga mild COVID-19 cases lalo na ang pagkawala ng pang-amoy. Wala [ring] adverse event o incidents kapag ginamit ang lagundi sa mga mild COVID-19 cases,” ani Guevara.

Iminumungkahi rito na ang dosage ng lagundi sa mga adult ay 600 milligrams (mg) at dapat inumin tatlong beses araw-araw sa loob ng 10 araw.

“Ito ‘yung lagundi na capsule or syrup na available sa ating mga pharmacies.”

Habang ang pag-inom naman nito ay walang inaasahang side effects lalo pa kung sinunod ang prescribed dosage.

Sa kabilang banda, maaari naman aniyang inumin ang VCO bilang gamot sa mild COVID-19 symptoms.

“Bukod sa paglalagay ng VCO sa pagkain ay maaari rin [itong] inumin ng mga [may] mild COVID-19 symptoms upang maibsan ang mga sintomas,” paliwanag ni Guevara. RNT/FGDC