Lahat ng court proceedings planong gawin online na lamang – Gesmundo

Lahat ng court proceedings planong gawin online na lamang – Gesmundo

September 10, 2022 @ 2:50 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Plano nang gawing online sa mga susunod na panahon ang lahat ng pagdinig sa mga korte sa pamamagitan ng video conferencing.

Ito ang sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa kanyang talumpati kasabay ng 130th anniversary celebration ng Philippine Bar Association sa Makati City.

“In line with our efforts towards a technology driven Judiciary, we have decided to allow the conduct of all court proceedings through video conferencing even after the end of COVID-19 pandemic.”

Nagpapatuloy na umano ang SC Committee on Virtual Hearings and Electronic Testimony sa pagbalangkas ng mga panuntunan para rito.

Sa pamamagitan umano ng video conferencing, para pa ring magkakasama ang mga taong kailangan sa isang pagdinig ngunit hindi na kailangan pang pisikal na magpunta sa korte.

Matatandaan na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay pinayagan ng Korte Suprema ang pagdinig na gawin sa pamamagitan ng remote video conferencing. RNT/JGC