Lahat ng DQ case vs BBM ibinasura ng Comelec en banc

Lahat ng DQ case vs BBM ibinasura ng Comelec en banc

May 10, 2022 @ 11:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections en banc ang hirit ng mga petitioner na baligtarin ang pagbasura ng mga kaso laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kasalukuyang nangunguna sa karera batay sa partial at hindi opisyal na resulta ng 2022 polls.

Sa desisyon ng Comelec na inilabas ngayong Martes, ibinasura ng poll body ang mga apela na kinasasangkutan ng apat na petisyon laban sa dating senador, na pawang nag-ugat sa hindi niya paghahain ng kanyang income tax returns sa kanyang termino bilang Ilocos Norte governor at vice governor.

Maaari pa ring iapela ng mga petitioner ang desisyon sa Korte Suprema. RNT