Lahat ng miyembro ng Enhypen, nakarekober na sa COVID!

Lahat ng miyembro ng Enhypen, nakarekober na sa COVID!

September 16, 2021 @ 3:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Good news para sa ENGENEs!

Nakarekober na kasi ang lahat ng mga miyembro ng sikat na K-pop boy group na Enhypen matapos tamaan ng COVID-19 ang anim na miyembro nito.

Sa isang source, sinabi na nakalabas na mula sa COVID care facility ang mga miyembro as of September 16.

Sa katunayan, ngayong araw ay nag-tweet pa ng picture together ang Enhypen members suot ang kanilang mask.

May caption ito written in Hangeul at sinabing miss na nila ang kanilang fans.

Bago nito, nauna nang inanunsyo ng agency nila na BELIFT LAB na officially recovered na nga sila mula sa nakakahawang sakit.

“ENHYPEN members Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, and Ni-Ki have been determined to have fully recovered from COVID-19,” ayon sa isang statement.

“All the members are resting with a clean bill of health. Sunoo also underwent re-testing in order to exit self-quarantine and was found to be negative,” dagdag pa.

Ilan sa mga pamosong kanta ng grupo ay ang ‘Fever’, ‘Drunk-Dazed’ at ‘Given-Taken’.

Nag-debut ang grupo noong 2020. RNT


  •  
  •  
  •