Lahat ng rehiyon sa Pinas, minimal risk na sa COVID- DOH

Lahat ng rehiyon sa Pinas, minimal risk na sa COVID- DOH

December 14, 2021 @ 3:18 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay minimal risk na sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes.

Sa DOH Kapihan, inanunsyo ni Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman na lahat ng rehiyon ay nakapagtala ng negatibong 2-week growth rate at average daily attack rate ng mas mababa sa 1 kada 100,000 indibidwal.

Nakapagtala ang Pilipinas ng 2-week growth rate na -59 porsyento at ADAR na 1.41.

Samantala, nakapagtala naman ang National Capital Region ng 2-week growth rate na -61 porsyento at ADAR na 0.67.

“All provinces, HUCs, and ICCs of areas remain under Alert Level 2 with minimal to low-risk case classification,” ani De Guzman.

Subalit, sinabi ng DOH na binabantayan nito ang Region XII at Region V, na nakapagtala ng positive growth rate sa nakaraang linggo na 7 porsyento at 3 porsyento.

Mino-monitor din ng DOH ang Lapu-Lapu City at General Santos City matapos makapagtala ng positive 1-week growth rate at positive 2-week growth rate.

Nananatili ang dalawang lugar sa low-risk classification at may ADAR na less than 1 per 100,000. RNT/SA