LAHAT NG TODA SA PANTAWID PASADA-TODA PARTYLIST

LAHAT NG TODA SA PANTAWID PASADA-TODA PARTYLIST

March 22, 2022 @ 10:52 AM 3 months ago


SA kabila ng magandang balitang maisasama na sa Pantawid Pasada ang mga tricycle driver ngayon, malaking bilang naman sa mga ito ang hindi mabibiyayaan ng ayuda.

Nasa halos 4 milyon ngayon ang bilang ng tricycle drivers sa buong bansa at 113,000 lang ang nakatakdang mabigyan ng ayuda sa gasolina.

Kaya naman nananawagan ang TODA partylist, numero 41 sa balota, na dagdagan pa ang bilang ng mapapasamang benepisyaryo ng programa mula sa sektor ng tatlong gulong.

Sana rin ay maipamahagi na ang ayuda sa lalong madaling panahon gayong kailangan na kailangan na ito ng tricycle drivers na lubos na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Tama ang sinasabi ng TODA partylist na matagal na ring iniinda ng ating mga kababayang nasa tricycle operation ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina kaya mainam na agaran nang maipamahagi ang ayuda.

Kung tutuusin, ngayon pa lamang sana babawi ang mga tricycle driver matapos ang dalawang taong tumal sa kanilang paghahanapbuhay dulot ng mga restriksyong ipinatupad ng pamahalaan kontra COVID-19.

At ngayon nga, hagupit naman ng mataas na presyo ng gasolina ang kanilang pilit na nilalabanan kaya talagang tulong mula sa pamahalaan ang kanilang pinakakailangan sa ngayon.

Upang mas matulungan ang sektor ng tatlong gulong, pati na ang iba pang nasa linya ng pamamasada, kasalukuyan ding nananawagan ang TODA partylist para sa suspensyon ng pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo upang bumaba ang presyo ng gasolina.