Laila Delo kinapos vs German Koerndl sa World TKD sa Mexico

Laila Delo kinapos vs German Koerndl sa World TKD sa Mexico

November 16, 2022 @ 4:27 PM 2 weeks ago


GUADALAJARA, Mexico – Kinapos si Laila Delo sa pagtatangkang makausad sa susunod na round nang mabigo laban kay German Vanessa Koerndl nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) sa World Taekwondo Championship sa Centro Acuatico CODE Metropolitano.

Sa natatanging laban ng six-man Philippine delegation sa ikalawang araw ng aksyon, kumasa ang pambato ng University of Santos Tomas alumnus sa gabay ni coach  Paul Romero, ngunit sadyang matatag ang karibal para maisuko ang 0-2 kabiguan.

“I was trained hard for this kind of situation and under hostile environment but still mistakes happen. Gustong kong bawian pero malakas ang mga paa, narindi katawan ko,” sambit ni Delo, SEA Games two-time gold medal .

“Balik po sa training, back to drawing board. Kailangan maging handa sa SEAG at pipilitin kong makabawi,” aniya.

Kaagad na inalo ng kanyang teammates at opisyal sa pangunguna ni dating Senator Nikkie Coseteng ang malungkot na si Delo bago sama-samang kumain ng panaghalian na Korean BBQ bento.

Matapos maghari ang Asya sa unang araw ng torneo, and European at Latin Amerika ang namayagpag sa ikalawang araw ng aksyon sa pangunguna ng homegrown girl Leslie Soltero na nagdomina tungo sa gintong medalya laban kay Aleksandra Perisic of Serbia sa women’s -67 kgs, 6-5.

“Yung tigas ng paa ng nakalaban ni Laila (Delo)sa first round, mas matibay itong Mexican. Laila can  learn a thing or two dito sa Mexican,” saimbit ni team manager Rocky Samson.

“Training agad ang team focus sa susunod na mga laban,” he added.

Sunod na sasalang sa PH team si Alfritz Arevalo kontra Alin Ali ng Sweden sa men;s -68 kgs Miyerkoles ng umaga (Huwebes sa Manila).

Sabay namang lalaban sa Huwebes sina Southeast Asian Games veteran Dave Cea kontra Japanese Yasahuro Hamada sa men’s -74kgs at Joseph Chua kontra  Niko Saarinen ng Finland sa men’s -63kg.

Si Tokyo Olympics veteran Kurt Bryan Barbosa ay lalaban kay  Sanoh Lancery of Republic of Guinea ,habang sasabak si  Baby Jessica Canaba,kontra  Bulgarian Selen Gunduz sa women’s -43kgs.RICO NAVARRO