Laing beside you for lunch

Laing beside you for lunch

August 4, 2020 @ 10:41 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dahil kailangang palakasin ang ating mga resistensiya sa gitna ng kinakaharap na pandemya ng bansa, inirerekomenda ng mga eksperto ang pagkain ng gulay.

Kaya perfect na ihain sa pananghalian ang Laing na bukod sa masustansiya ay madali lang itong lutuin.

Kailangan lamang ang mga sumusunod na sangkap;

  • 100 grams dahon ng gabi, tuyo2 slices pork belly, hiwain sa 1/4 na pulgadang haba

  • 1-2 tablespoons shrimp paste (bagoong)

  • 2 cloves garlic, tinadtad

  • 3 cups coconut milk (gata)

  • 1 thumb-sized ginger, hiwain nang pahaba

  • 4 pieces green chili fingers (siling pang-sigang)

  • 2 pieces red chili pepper (siling labuyo), hiwain nang manipis

Lutuin muna ang baboy sa isang malaking kawali.

Sunod ay ihalo ang bagoong alamang, bawang, gata, at luya sa kawali at haluin sa loob ng 2 minuto.

Idagdag ang dahon ng gabi at hayaang sipsipin nito ang gata. Huwag haluin ang mga dahon ng gabi. Hayaang kumulo ito at matuyo, aabutin ito ng kulang-kulang sampung minuto.

Idagdag ang kakang gata o coconut cream, siling pansigang, at siling labuyo. Hayaan itong kumulo at matuyo ng 10 minuto. Dagdagan pa ng sili kung nais ng mas maanghang na timpla.

Oh diba! apat na simpleng paraan lang ay may Laing ka na for lunch. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...