Lakas ni Caloy napanatili pero nasa labas na ng PAR

Lakas ni Caloy napanatili pero nasa labas na ng PAR

June 30, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Napanatili ng Tropical Depression Caloy ang lakas nito pero nasa labas na siya ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR), iniulat ng PAGASA.

Ang sentro ng Caloy ay tinatayang nasa 575 km kanluran ng Iba, Zambales sa labas ng PAR na mabagal na kumikilos pakanluran na may lakas na hangin na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h.

Ang monsoon trough at ang southwest monsoon na pinahusay ng Tropical Depression Caloy ay magdadala ng monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ang Bataan, Zambales, Palawan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Aurora at Quezon ay magkakaroon ng monsoon rains dahil sa monsoon trough / southwest monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa kalat-kalat hanggang sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at kanlurang Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa monsoon trough / southwest monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Walang tropical cyclone wind signal ang nakataas. RNT