‘Lakbayaw’ sa Pista ng Sto. Niño suspendido pa rin

‘Lakbayaw’ sa Pista ng Sto. Niño suspendido pa rin

January 12, 2023 @ 12:27 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Suspindido pa rin ang Lakbayaw sa Pista ng Sto. Niño sa Maynila, ayon sa Manila Police District (MPD).

Tanging mga motorcade ng mga deboto lamang ang papayagan ngayon na maisagawa para sa nasabing Kapistahan.

Sinabi ni Lt. Col Harry Lorenzo ang Hepe ng Moriones Police Station na nakakasakop sa Sto. Niño de Tondo Parish, na ang naging desisyon na huwag munang ituloy ang Lakbayaw ay base na rin sa napag-usapan ng pulisya at ng pamunuan ng Sto. Niño Church.

Kaugnay sa nasabing selebrasyon, ilang kalsada ang kakailanganing isara sa motorista bago at sa mismong araw ng Kapistahan.

Ang Lakbayaw ay isa uri ng prusisyon kung saan ang imahe ng Sto. Niño ng mga deboto na may iba’t-ibang kasuotan ay ipinaparada kasabay ng kasiyaham, sayawan at tugtugan.

Nakikiusap naman si MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon sa publiko na makiisa sa mga patakaran ipapatupad o inilatag para na rin sa kaligtasan ng lahat aylt kaayusan ng pagdiriwang.

Ang liquor ban naman aniya ay mahigpit ding ipatutupad depende sa magiging desisyon o anunsyo ng pamahalaang lokal kung ipagbabawal din ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan gaya nang ipinairal sa Pista ng Poong Itim na Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden