Lakers ‘di pinawisan sa Rockets

Lakers ‘di pinawisan sa Rockets

January 13, 2021 @ 11:30 AM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

HOUSTON, Texas – Hindi pinaporma at tinambakan ng Los Angeles Lakers ang palyadong Houston Rockets, 117-100, upang itala ang kanilang ika-anim na panalo sa road game.

Nanguna sa opensa ng Lakers ang hindi mapigilan si NBA Finals MVP LeBron James na kumamada ng 26 points habang si Anthony Davis ay umambag ng 19 points.

Mula 1st hanggang 4th quarter ay hindi nakaporma ang Rockets sa defending NBA champion at hindi na lumingon upang maitipa ang kanilang pang-siyam na panalo.

Maging ang bench player ng Lakers ay ganado sa paglalaro at umiiskor kontra sa maluwag na depensa ng Rockets kung kanilang naisin.

Sa pagpalo ng 10 minuto sa 4th quarter ay inilabas na ni coach Frank Vogel ang kanyang mga star player dahil tambak na ang Houston.

Inaasahang ite-trade na ng Houston ang walang ganang lumarong at karamihan sa tira ay sablay na si James Harden na matagal nang humiling na malipat ng koponan. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...