Lakers dinispatsa ng Suns; LeBron naiyak sa lungkot

Lakers dinispatsa ng Suns; LeBron naiyak sa lungkot

June 4, 2021 @ 1:41 PM 2 years ago


LOS ANGELES — Nasibak na sa NBA playoffs ang Los Angeles Lakers at bigo itong idepensa ang kanilang hawak na titulo matapos ilampaso ng Phoenix Suns, 113-100, sa Game 6 na ginanap sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Hindi pinaporma ng Suns ang Lakers sa makapigil hiningang bakbakan sa Game 6 nitong Biyernes (Manila time).

Nanguna sa pambihirang opensa ng Suns si Devin Booker na kumamada ng 47 points kasama ang 22 points nito sa unang quarter upang tambakan ang Lakers at hindi na lumingon pa upang alisan ng trono ang Los Angeles.

Lalo pang nalugmok ang Lakers nang mawala sa laro si Anthony Davis matapos muling tamaan ang groin nito habang may natitira pang anim na minuto sa laro sa unang quarter.

Nag-init pa ng husto ang Suns sa 2nd quarter at tinambakan ang Lakers ng 29 points.

Sa 3rd quarter, tila nagising ang natutulog at tulalang si LeBron James at sinubukan nitong maging agresibo hanggang sa matapyas nito ang ang kalamangan sa sampung puntos sa 4th quarter , 94-84.

Pero agad kumana ang Suns ng 7-0 run gamit ang kanilang mahuhusay na 3 points shooter sa tulong Chris Paul upang pigilan ang ginagawang paghabol ng Lakers.

Dahil sa panalo, haharapin ng Suns ang Denver Nuggets sa semifinals o  second round.

Nanguna sa opensa ng Lakers si LeBron na kumamada ng 29 points sa kanyang huling games ngayon season,

Ito ang unang pagkakataon na natalo ang halos maiyak sa kalungkutan na si LeBron sa first round ng playoffs sa kanyang career. May record siya ngayon 14-1.Rico Navarro