NEW YORK – Abot-kamay na ni LeBron James ang NBA scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar at nakakuha ng dalawang puwesto sa all-time assists list kahapon nang iposte ng Los Angeles Lakers superstar ang kanyang unang triple-double ng season para masikwat ang 129-123 overtime win laban sa ang host na New York Knicks.
Naisalpak ni Dennis Schroder ang tiebreaking 3-pointer sa natitirang 3:14 sa overtime upang simulan ang mapagpasyang 7-0 run ng Lakers, na pinutol ang dalawang sunod na pagkatalo.
Umiskor si Jalen Brunson ng game-high na 37 puntos para sa Knicks, na natalo ng dalawang sunod at anim sa walo.
Si James, na hindi naglaro sa pagkatalo ng Los Angeles noong Lunes sa Brooklyn Nets dahil sa pananakit ng kaliwang bukung-bukong at kaliwang paa, ay nagtapos na may 28 puntos, 11 assists at 10 rebounds.
Mayroon na siyang 38,299 puntos sa kanyang karera, 89 puntos na lang at sisirain na nito ang rekord ni Abdul-Jabbar.
Ang ikawalo at ikasiyam na assist ni James sa laro — humahantong sa 3-pointer ni Troy Brown Jr. at isang dunk ni Thomas Bryant sa magkasunod na possession sa unang bahagi ng fourth quarter – ay sumira sa record nina Mark Jackson (10,334 assists) at Steve Nash (10,335 assists) sa ikaapat na puwesto sa all-time list.
Tinapos ni James ang gabi na may 10,338 assists.
Nag-ambag si Anthony Davis ng 27 puntos at siyam na rebounds para sa Lakers, habang tumapos si Rui Hachimura na may 19 puntos.
Nagdagdag si Russell Westbrook ng 17 puntos at walong assist mula sa bench habang umiskor si Schroder ng 12 puntos.
Sina Julius Randle (23 points, 12 rebounds) at Isaiah Hartenstein (16 points, 13 rebounds) ay may double-doubles para sa Knicks. Si Immanuel Quickley ay may 19 puntos at walong assist habang umiskor din ng double figures sina RJ Barrett (13 puntos) at Quentin Grimes (12 puntos).
Wala sa alinmang koponan ang nanguna ng higit sa 10 puntos. Isang 3-pointer ni James ang nagbigay sa Lakers ng 114-108 kalamangan may 1:41 na natitira sa regulasyon bago naitala ng Knicks ang huling anim na puntos ng ikaapat.
Ibinaon ni Brunson ang tying jumper may 24 na segundo ang natitira.
Dalawang beses tumabla ang mga koponan sa overtime bago ang 3-pointer ni Schroder.JC