Lakers kinuha si Rui Hachimura sa Wizars kapalit ni Nunn

Lakers kinuha si Rui Hachimura sa Wizars kapalit ni Nunn

January 24, 2023 @ 6:43 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakuha ng Los Angeles Lakers ang dating lottery pick na si Rui Hachimura mula sa Washington Wizards kapalit ni Kendrick Nunn at isang package ng second-round draft picks.

Si Hachimura at ang Wizards ay hindi nagkasundo sa isang rookie extension bago magsimula ang season, na nag-udyok sa espekulasyon na ang Japanese power forward ay wala sa kanilang pangmatagalang plano.

At makatuwiran para sa Lakers na humingi ng tulong dahil sa kartadang 22-25, sila ay nasa ika-12 puwesto sa Western Conference at may dalawang laro lamang sa likod ng Los Angeles Clippers para sa No. 6 spot at apat na laro sa likod ng New Orleans Pelicans para sa No. 4 sa West.

Kumpiyansa si LeBron James na nag-a-average ng halos 30 puntos bawat laro na maglalaro na si Anthony Davis ay babalik mula sa injuiry  sa lalong madaling panahon.

“I just want to be somewhere that wants me as a basketball player,” sabi ni Hachimura sa mga mamamahayag noong nakaraang linggo. “And I want to be somewhere that likes my game. … I just want to be somewhere that believes in me and I can be myself. That’s my goal.”

Ang 6-foot-8 na Hachimura ay magbibigay sa Lakers ng wing defense at 3-point shooting ability, dalawang malinaw na pangangailangan para sa isang team na lumalaban upang manatiling nakalutang sa panahon ng pinakabagong mahabang pagkawala ng injury ni Davis.

Nakakuha ang Wizards ng second-round pick ngayong taon, 2028 at 2029, kasama ang trade exception.RCN