LAKERS: Schroeder pahinga ng dalawang linggo

LAKERS: Schroeder pahinga ng dalawang linggo

October 18, 2022 @ 8:02 AM 2 months ago


EL SEGUNDO, California – Magkakaroon ng limitadong point guard ang Los Angeles Lakers para sa unang laro nito sa pagbubukas ng NBA kontra sa mortal nitong kalaban na Golden State Warriors sa Miyerkules.

Hindi naman umano ito hadlang para kay Anthony Davis na magbigay ng isang magandang performance para simulan ang regular season.

“Ang aming unang dalawang laro ay laban sa dalawang title contender,” sabi ni Davis na tinutukoy ang opener kontra GSW at susunda pa ng LA Clippers sa Biyernes,

“It’s always good to spoil a ring night. So our mindset is going up and starting this season with a couple Ws.”

Mawawalan ang  bagong coach ng Lakers na si Darvin Ham  ng isang point guard, at posibleng dalawa, sa kanyang pag-ikot.

Pumirma si Schroder sa Lakers noong nakaraang buwan at napalampas ang karamihan sa training camp habang niresolba ang isyu sa visa na humadlang sa kanya sa paglalakbay mula Germany patungong Southern California kasama ang kanyang pamilya.JC