Lakers starter Patrick Beverley sinuspinde the NBA

Lakers starter Patrick Beverley sinuspinde the NBA

November 25, 2022 @ 8:48 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Sinuspinde si Los Angeles Lakers guard Patrick Beverley ng tatlong laro na walang bayad dahil sa pagtulak sa sentro ng Phoenix Suns na si Deandre Ayton dahilan upang matumba ito sa court sa laro ng L.A. laban sa Suns nitong Miyerkules, ayon sa NBA.

Ginawa ang suspensiyon dahil kilala si Beverly sa paggawa ng mga unsportsmanlike foul sa kanyang career.

Hindi makakalahok si Beverley sa back-to-back road games ng Lakers laban sa San Antonio Spurs sa Biyernes at Sabado at gayundin ang kanilang home game Lunes laban sa Indiana Pacers.

Pinatawan si Beverley ng technical foul at na-eject dahil sa pagresbak kay Ayton na nakatayo sa ibabaw nang bumagsak na Lakers swingman na si Austin Reaves dahil sa flagrant foul ni Suns guard na si Devin Booker.

Naganap ang insidente sa nalalabing 3:55 sa fourth quarter ng 115-105 na pagkatalo ng Lakers sa Phoenix.

Kasunod ng laro, sinabi ni Beverley na “sigurado” siyang nababahala na didisiplinahin siya ng liga sa kanyang mga aksyon at idinagdag na tatanggapin niya ang parusang ipinataw.

“Very unprofessional by myself. Definitely could have reacted in a different way,” sabi niya. “So, yeah, I’m a big boy. I’ll take my lumps whatever they come.”JC