Lakers swak na sa NBA Finals

Lakers swak na sa NBA Finals

September 27, 2020 @ 11:35 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

ORLANDO, Florida – Umusad na sa NBA Finals ang Los Angeles Lakers matapos idispatsa sa Game 5 ang palyadong Denver Nuggets, 117-107, sa kanilang Western Conference best-of-seven final series na ginanap sa bubble sa Florida.

Nanguna sa panalo ng Lakers ang tandem nina LeBron James at Anthony Davis bukod pa sa napakagandang depensa na inilatag ng Los Angeles kontra sa Nuggets.

Pinangunahan ni LeBron ang opensa sa Game 5 upang ipanalo ang laban at itala ang kanyang 27th playoff triple-double  na may 38 points, 16 rebounds at 10 assists.

Nanalasa si LeBron sa 4th quarter at pumuntos ng 16 points sa kanyang huling 12 minutes ng laro.

Dahil sa panalo, muling lalahok si LeBron sa kanyang pang-siyam na Finals sa 10 seasons – apat sa Miami (2011-2014), apat sa Cleveland (2015-2018) at ngayong 2020 sa Lakers.

Kumamada ng 27 points si Anthony Davis habang sina Danny Green at Alex Caruso ay umambag ng tig-11 points para sa Lakers.

Pinangunahan naman nina Jerami Grant (20 points), Nikola Jokic (20 points) at Jamal Murray na may 19 points ang Nuggets.

Umabanse ang Lakers sa NBA Finals sa unang pagkakataon simula noong 2010 at ngayo’y apat na panalo na lang para maiuwi ang kampeonato sa NBA.

Haharapin ng Lakers sa NBA Finals ang magwawagi sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...