Lakers vs Nuggets sa WC Finals; Clippers dinispatsa ng Denver sa Game 7

Lakers vs Nuggets sa WC Finals; Clippers dinispatsa ng Denver sa Game 7

September 16, 2020 @ 11:47 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

ORLANDO, Florida – Haharapin ng Denver Nuggets sa Western Conference Finals ang Los Angeles Lakers matapos nitong idispatsa ang Los Angeles Clippers, 104-89, sa Game 7 ng kanilang NBA playoffs best-of seven-series sa larong ginanap sa pasilidad ng Walt Disney sa Florida.

Muling pinatunayan ng Denver na kaya nilang humabol sa laro kahit natambakan ng Clippers sa simula ng laban upang umusad na sa finals ng WC at harapin ang malakas na koponan ng Lakers na pinangungunahan nina LeBron James at Anthony Davis.

Hawak ng Clippers ang 12 points na kalamangan sa first half pero kagaya ng ginawa nila sa Game 5 at 6, trumabaho ng husto ang Nuggets  upang ipanalo ang laban at idispatsa ang LA na pinangungunahan nina Kawhi Leonard, Paul George at malakas na supporting cast.

Paboritong sanang manalo sa NBA Finals ngayong season ang Clippers subalit ikinagulat ng fans na sila pa ang nalaglag sa semifinals ng WC.

Dahil sa pagkatalo, inaasahang uuwi na ang Clippers at lilisanin na ang bubble matapos malasap ang tatlong sunod-sunod na pagkatalo na nag-ugat para masibak sila sa playoffs.

Nanguna sa panalo ng Denver si Jamal Murray na kumamada ng 40 points habang si Nikola Jokic ay umambag ng 16 points.

Nasayang naman ang 40 points ni Montrezl Harrel habang nalimitahan lang sina Clippers star players Kawhi sa 14 points at si George sa 10 puntos.

Ayon sa Lakers, handa na sila para sa WC Finals habang ang Denver naman ay nagpahayag din ng kahandaan para sa kanilang napipintong paghaharap.Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...