Lakers wagivs Nets sa pagbabalik ni Davis

Lakers wagivs Nets sa pagbabalik ni Davis

January 26, 2022 @ 1:48 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Matapos lumiban ng 17 games dahil sa sprained MCL sa kaliwang tuhod, nagbalik na sa lineup ng Los Angeles Lakers ang kanilang pambatong si Anthony Davis upang dalhin sa panalo ang koponan kontra sa Brooklyn Nets.

Naglaro si Davis bilang sentro at nagtapos na may 8 puntos, 2 rebounds, 4 blocks at 2 assist sa 106-96 panalo ng Lakers para sa kartadang 24-24.

“For the most part I felt fine, felt great out there and the first couple minutes the adrenaline took, and after that the wind caught up to me,” ani Davis. “When I caught my second wind, I was fine for the rest of the game.”

Sinabi ni Coach Frank Vogel na hindi nila pupwersahin sa laro si Davis pero ito na umano ang nagsabi na maglalaro siya ng matagal sa laban vs Nets.

Si Davis ay hindi na naglaro mula noong Disyembre 17. Ang Lakers ay umabot sa 7-10 sa kanyang pagkawala.Rico Navarro