Lala ng COVID-19 nakadepende sa diet – pag-aaral



Lala ng COVID-19 nakadepende sa diet – pag-aaral

June 10, 2021 @ 8:30 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

WASHINGTON – “Individuals may need help to avoid making these dietary changes permanent.”

Ito ang naging komento ni Dr. Sohyun Park ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Base sa bagong pag-aaral, lumalabas kasi na mas mataas ang tsyansa na maging malala ang sintomas ng COVID-19 ng isang indibidwal base sa kanyang diet.

Ayon pa rito ang mga indibidwal na hindi kumakain ng karne ay mas mababa ang tsyansa na mahawaan ng moderate hanggang severe ng COVID-19.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa anim na bansa at isinapuliko sa BNL Nutrition, Prevention & Health.

Ang mga indibidwal na nakasailalim sa plant-based diet o yung mga naggugulay ay may 73% mas mababang tsyansa na makakuha ng severe case, ayon sa sarbey na isinagawa sa 2,884 healthcare providers na nag-aalaga sa COVID-19 patients.

Ang mga indbidwal naman na kumakain ng plant-based diet at isda, pero walang karne, ay may 59% mas mababang tsyansa na makakuha ng severe case

Sa kabila nito, sinabi naman ng American Society for Nutrition na naging problema sa mundo ang pagkain ng masusustansya lalo na nitong pandemya.

Ang pagkain ng gulay at whole grains ay bumaba kumpara noong bago ang magpandemya, aon sa isang pag-aaral kung saan higit 2,000 Amerikano ang kalahok

Sa hiwalay naman na pag-aaral, nakita mula sa datos noong Hunyo 2020 para sa 3,916 US adults na tumaas ang pagkain nila ng unhealthy snacks, desserts at sugary drinks sa pandemya.

“Individuals may need help to avoid making these dietary changes permanent,” ani Dr. Sohyun Park. RNT


  •  
  •  
  •