Lalabag sa election health protocols parurusahan ng Comelec

Lalabag sa election health protocols parurusahan ng Comelec

February 9, 2022 @ 6:26 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Panangutin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga lalabag sa protocol sa 2022 national at local elections, ayon kay Acting Presidential spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“So, in terms of enforcement, in terms of protocols and guideline, dahil nag-umpisa na nga po ang campaign period, February 8, kahapon, under na po talaga iyan,” ani Nograles.

Nakadepende na naiya sa Comelec ang pagpapatupad ng nararapat na parusa sa mga hindi susunod sa campaign rules, guidelines, at protocols, kasama na ang minimum public health standards.

Samantala, responsible lamang ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa non-election-related activities. RNT/FGDC