Lalabag sa pandemic campaign rules papatawan ng ‘stiff’ na parusa – DILG  

Lalabag sa pandemic campaign rules papatawan ng ‘stiff’ na parusa – DILG  

January 31, 2022 @ 6:36 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Magpapatupad ng ‘stiff’ sanctions sa mga political aspirant maging sa kanilang mga taga-suporta na lalabag sa election campaign rules ngayong pandemya, ayon sa tagapagsalita ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang kanilang parusa ay depende sa nilabag sa ilalim ng Comelec Resolution 10732.

Nanawagan naman ang opisyal ng kooperasyon sa mga pulitiko, taga-suporta, at partido na sumunod sa umiiral na guidelines.

Ito ay upang maiwasan din ang paglabag sa Comelec dahil sa mas mahigpit ang kanilang guidelines kumpara sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Maaari ritong madiskwalipika na makaupo sa posisyon o kaya naman ay makaboto sa mga susunod pang eleksyon.

Ang mga lalabag naman sa minimum public health standards ay makukulong ng isa hanggang anim na buwan at magmumulta ng  P20,000 hanggang P50,000.

Ilan pa sa pinagbabawal ay ang house-to-house campaigning kahit pa may pahintulot sa may-ari, pagkuha ng picture, at pamamahagi ng pagkain at inumin. RNT/FGDC