Lalake sa India, natutulog ng 300 araw kada taon

Lalake sa India, natutulog ng 300 araw kada taon

July 21, 2021 @ 4:48 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

INDIA – May kabuuang 300 araw kada taon ang bilang ng panahon na natutulog ang 42-anyos na lalaki sa India bunsod ng pagdanas nito sa isang pambihirang kondisyon.

Tinawag ang kondisyong ito na “HPA axis hypersomnia” na siyang nagdudulot sa Indiyanong si Purkharam na matulog ng tuloy-tuloy sa loob ng hanggang 25 araw.

Unang nadiskubre na dinaranas ni Purkharam ang sakit na ito 23 taon na ang nakalipas kung kailan nasa 15 oras pa lamang ang tagal ng pinakamahabang oras ng kanyang pagtulog.

Noong 2015, dahan-dahang lumala ang kanyang kondisyon at imbes na oras ay pito hanggang walong araw na ang binibilang ng kanyang pamilya bago siya gumising.

Nagmamay-ari si Purkharam ng isang maliit na tindahan sa kanilang nayon at nabubuksan lamang niya ito ng limang araw kada buwan, minsan pa’y nakakatulog na siya habang nagtatrabaho at hindi na magising.

Sa ganitong pagkakataon, napipilitan ang kaniyang pamilya na iuwi siya sa kanilang bahay, pakainin at paliguan habang ito’y natutulog.

Wala pang nadidiskubreng lunas para sa kondisyon ng Purkharam ngunit ang medikasyon na ginagamit niya sa loob ng maraming taon ay mayroong side-effects gaya ng matinding pagsakit ng ulo at pagkahilo.

Sa kabilang banda, naniniwala ang kanyang pamilya na balang araw ay makaka-rekober siya mula sa kondisyon at makababalik na sa normal niyang pamumuhay. -RNT/Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •