Educational tourism sa Pinas, Japan isinusulong ni PBBM

February 9, 2023 @4:40 PM
Views: 1
MANILA, Philippines- Itinutulak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang promosyon ng educational tourism sa pagitan ng Japan at Pilipinas na mayroong espesyal na pagtuon sa “exchange of students at professionals” sa tourism-related institutions.
Inimbitahan din ng Pangulo ang mga Japanese students na mag-aral sa Pilipinas sa isinagawang roundtable meeting kasama ang tourism stakeholders sa Tokyo, Japan.
Sa ilalim ng kanyang administrasyon, sinabi ni Pangulong Marcos na ang tourism industry “shifted its gaze to becoming more than just a promotion arm of the government, but also to ensuring that travel is not only convenient, connected, and equal for travelers, but as well as for locals who are living and preserving our invaluable key and emerging tourist destinations.”
“With this in mind, this government has set the direction to harness the development of tourism in key tourism destinations. Through this, we will make sure that hard and soft infrastructure is well-developed, from roads and bridges to medical facilities, clean water supplies, and readily accessible for tourists and locals alike,” ayon pa rin sa Chief Executive.
Matatandaang, sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, binanggit nito na isa sa pangunahng prayoridad ng kanyang administrasyon ay ang turismo.
Sa panahon ng pre-pandemic, tinuran ng Pangulo ang naging 12.9% o 13% na kontribusyon ng turismo sa gross domestic product (GDP) ng bansa.
“We are banking on this potential to reshape the industry to be one of the key economic drivers of the country. We are well on our way to recovery, this I assure you, with more than 2.65 million foreign visitors we have welcomed last year, that’s exceeding the initial target of 1.7 million,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Ang Pilipinas at Japan ayon sa Chief Executive ay “deeply rooted unique appreciation and preservation of our culture, our traditions, and our heritage.”
“Now, this is something we admire and can share with our Japanese friends, whose success in the tourism sector is profoundly etched in one’s cultural identity that has adapted and strengthened over time,” diing pahayag ng Pangulo.
Winika pa ng Pangulo na ang bansa ay bukas at handang i-welcome ang mga Japanese.
“As of January 30, Japan ranks sixth among the country’s foreign visitors,” ayon sa Pangulo.
“And as a country that recognizes the linkages of our success to that of our neighbors such as Japan, working together in boosting our tourism sector is vital to economic resurgence,” aniya pa rin. Kris Jose
Jinggoy sa DMW: ‘Dummy’ Pinoy owners ng recruitment agencies, imbestigahan

February 9, 2023 @4:30 PM
Views: 11
MANILA, Philippines- Dapat imbestigahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang “dummy” Filipino owners ng recruitment agencies, ayon kay Senator Jinggoy Estrada.
“Let’s just request the DMW to scrutinize the recruitment agencies, whether the proprietors of these recruitment agencies have the financial capability to run its operations,” pahayag ni Estrada sa hearing nitong Miyerkules.
Sa ilalim ng Labor Code ng bansa, tanging Filipino citizens lamang ang makakukuha ng lisensya para magpatakbo ng recruitment agencies na may minimum capital na P5 milyon.
Ayon sa DMW, babawiin ang lisensya ng recruitment agencies at ilalagay ang incorporators sa derogatory kapag lumabag ang mga ito.
Inihayag ni Estrada ang pagkabahala sa recruitment agencies matapos patayin si Jullebee Ranara, isang household helper sa Kuwait, ng 17-anyos na anak ng kanyang employer.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng DMW, hindi nakasunod ang local at foreign recruitment agencies fni Ranara sa compulsory monitoring requirements ng deployed workers. RNT/SA
2 most wanted persons ng Malabon, tiklo Caloocan, Valenzuela

February 9, 2023 @4:26 PM
Views: 27
MANILA, Philippines- Swak sa kulungan ang dalawang katao na listed bilang most wanted persons ng Malabon City matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela at Quezon Cities.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PMAJ Alfredo Agbuya Jr, kasama ang mga tauhan ng 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Albert Lachica, 41, sa kanyang bahay sa No. 68 Apitong Alley, Bagong Barrio, Barangay 152, Caloocan City dakong alas-10 ng umaga.
Si Lachica ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 292 noong January 31, 2023, para sa kasong Robbery Hold-up.
Nauna rito, dinampot din ng mga tauhan ng WSS sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Agbuya sa manhunt operation sa Francisco St., Brgy. Lingunan, Valenzuela City si Rodel Balane, 34, welder ng 231 Sitio 6, Brgy. Catmon, Malabon City dakong alas-8 ng umaga.
Dinakip si Balane sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 73, para sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na P180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Malabon CPS sa pamumuno ni P/Col. Daro dahil sa kanilang masigasig na kampanya laban sa mga wanted persons. Boysan Buenaventura)
39 sundalo pinakawalan ng MILF

February 9, 2023 @4:20 PM
Views: 19
LANAO DEL SUR- Nakabalik na sa kanilang command post sa Bukidnon ang 39 miyembro ng 1st Special Forces Battalion matapos harangin ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraan mapagkamalan na New People’s Army (NPA) noong Martes sa probinsyang ito.
Paglilinaw ni Philippine Army spokesperson Colonel Xerxes Trinidad, napagkamalan lamang ng mga MILF ang mga sundalo na teroristang grupo na minsan at nagpapanggap na tropa ng pamahalaan.
Aniya, nagkaroon ng verification process para patunayan na totoong kasapi ng PA ang 39 na sundalo para maiwasan na magkaroon ng engkuwentro.
Sinabi pa ni Trinidad na nagkaroon ng koordinasyon ang militar sa MILF sa lahat ng isasagawa nilang operasyon lalo na sa mga liblib na lugar.
Dagdag pa ni Trinidad na maaaring mahina ang signal sa lugar kaya nagkaroon ng miscommunication.
Nagtungo sa Lanao del Sur ang 1st Special Forces Battalion ng 403rd Brigade, na nasa ilalim ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom), bilang tugon sa impormasyon tungkol sa mga miyembro ng NPA sa lugar.
Dagdag pa ni Trinidad na nagkaroon ng koordinasyon ang Army sa Western Mindanao Command (Westmincom), na sumasaklaw sa Lanao del Sur, para sa pagpapalawak ng area of cooperation ng brigada.
“Kung mapapansin niyo sa parte po ng Bukidnon itong under ng 403rd Brigade. Parte po ng Lanao del Sur, na-coordinate po natin yan dito sa Westmincom. Kung saan po coordinated din po ‘yan sa ating mga kasamahan sa MILF,” ani pa Trinidad.
“Para matiyak ang kaligtasan ng mga tropa ng AFP, ang MILF-BIAF ay nagpalipas ng gabi muna ang mga ito sa ligtas na lugar. Ang militar at MILF ay magkatuwang sa pagsugpo sa mga teroristang grupo at matuldukan ang karahasan,” dagdag pa ni Trinidad. Mary Anne Sapico
Bahagi ng Rizal, mawawalan ng tubig sa Feb. 9-11 – Manila Water

February 9, 2023 @4:10 PM
Views: 17