Lalaki arestado sa panggagahasa sa sariling ina

Lalaki arestado sa panggagahasa sa sariling ina

October 9, 2022 @ 2:46 PM 2 months ago


NUEVA VIZCAYA – Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa kasong panggagahasa sa sarili nitong ina sa bayan ng Kasibu.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na ipinalabas ni Judge Romeo Uyami Habbiling ng Regional Trial Court Second Judicial Region Branch 37, Bambang, Nueva Vizcaya, nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Kasibu PNP, Provincial Intelligence Unit ng NVPPO at Provincial Mobile Force Company ang 32-anyos na suspek at residente sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, naganap ang panggagahasa ng suspek sa loob ng kanilang bahay habang nasa impluwensya ng alak ang kanyang ina.

Itinurn-over na ng pulisya sa Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) Bayombong, Nueva Vizcaya ang suspek at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan. Mary Anne Sapico