Lalaki, binugbog na, ninakawan pa ng grupo ng kabataan!

Lalaki, binugbog na, ninakawan pa ng grupo ng kabataan!

July 26, 2018 @ 8:27 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sugatan ang isang 18-anyos na lalaki matapos itong bugbugin at pagnakawan ng grupo ng kabataan sa labas ng convenient store sa Pandacan, Maynila.

Kuhang-kuha sa CCTV ang pambubugbog sa biktimang si alyas ‘Michael’ na pauwi na sana nang mapagtripan umano ng mga lalaki.

Huling-huli ang isinagawang pambubugbog ng mga susupek hanggang sa tumumba ang biktima. Tinadyakan ang ulo nito at kinuha pa umano ang kaniyang cellphone at wallet na naglalaman ng P6,000.

Agad namang nagsumbong si alyas ‘Michael’ sa barangay at sa tulong ng isang pedicab driver, naaresto ang dalawa sa mga suspek at dalawa pa sa isang follow up operation.

Kasalukuyang nakakulong ang apat na suspek sa Pandacan Police Station at nahaharap sa kasong robbery with physical injuries.

Hindi pa naman naibabalik sa biktima ang mga ninakaw ng mga suspek at patuloy na pinaghahanap ang iba pang lalaki na kasangkot sa insidente. (Remate News Team)