Lalaki bumili ng mamahaling sasakyan para gawing kabaong ng ama

Lalaki bumili ng mamahaling sasakyan para gawing kabaong ng ama

June 14, 2018 @ 12:43 PM 4 years ago


Sabi ng mga nakakatanda, hindi natin maisasama sa hukay ang mga ari-arian natin.

Pero isang Nigerian ang trending ngayon sa social media nang ilibing niya ang kanyang namayapang ama sa isang brand new na kotse.

Nagkakahalaga lang naman ng $90,000 o katumbas ng halos P5-milyon ang biniling brand new BMW X5 ng lalaking kinilalang si Azubuike para gawing kabaong ng kanyang tatay.

Ayon kay Azubuike, namatay sa katandaan ang kanyang ama kaya naisipan niyang ihatid ito sa huling hantungan sakay ang isang mamahaling sasakyan.

Agad na nag-viral ang picture ng isang mamahaling sasakyan na ibinaba sa hukay.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang ginawa ni Azubuike kung saan ang iba ay nanghinayang at nagalit.

Hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito sa Nigeria dahil nabalita rin ang isang Nigerian billionaire na bumili ng brand new Hummer SUV para naman sa libing ng kanyang ina. (Remate News Team)