Kabasalan, Zamboanga Sibugay – Dinukot ng armadong grupo na naka-uniporme pa ng pulis at sundalo sa bayan ng Kalasalan, Zamboanga Sibugay.
Ayon sa kwento ng mga pulis, nanunuod ng TV ang fishpond operator na si Alejadro Bation kasama ang dalawa nitong anak sa kaniyang bahay sa Barangay Nazareth nang pumasok doon ang anim na kidnapper.
Tinutukan umano ng baril ang biktima at saka kinaladkad patungo sa kalapit na mini-wharf, kung saan sila sumakay ng 3 motorized pump boat.
Agad namang tumakas ang mga kidnapper patungo sa bayan ng Naga at Payao.
Patuloy naman na pinaghahanap ng mga pulis ang mga suspek. (Remate News Team)